Gentamicin Sulfate
Pangalan ng Gamot
Generic Name: Gentamicin Sulfate
Brand Name: Garamycin
Uri ng Gamot
Aminoglycosayd
Bisa ng Gamot
Bakterisidal: Pinipigilan ang pagbubuo ng protina na may katangiang tinatablan ng gram-negative bakterya; Sinisira nito ang integridad ng sel membreyn ng bakterya, sanhi ng pagkapatay ng sel.
Kontraindikasyon
Pagkakaroon ng sobrang sensitibo sa kahit anong gamot na antibyotikong aminoglaykosayd.
Salungat na Epekto
Pagka-antok, Pagsuka at pagduwal, pangangate, lagnat, pagbaba ng timbang, sakit ng ulo
Responsibilidad ng Nars
-Kapag may masamang epekto sa kahit anong aminoglycosides
-Subaybayan ang konsentrasyon ng serum ng pasyente.
-iwasan ang mahabang gamutan para maiwasan ang pagkalason
-Siguraduhing sapat ang haydrasyon ng pasyente bago at pagkatapos ng gamotan.
Monday, October 4, 2010
Posted by rufiee at 10:56 PM 0 comments
Friday, July 23, 2010
Ang Katotohanan sa likod ng Assignment...
Haha... Nakakatuwa talaga tong nakasulat sa image jan sa taas... sa tuwing nababasa ko yan di ko mapigilang ngumiti hehe... Siguro kasi nakaka-relate ako haha... thx sa gumawa nyan...
Posted by rufiee at 4:44 AM 3 comments
Sunday, July 11, 2010
Kanin o Lugaw?!
Wala na akong ibang ma-isip na ipo-post ko... pero dahil puro 1st time ang mga topic ko, ishe-share ko nlang sa inyo ang ka-una-unahang linuto ko! hehe...
Siguro mga grade 4 ata ako nun at kasama ko ang aking bunsong kapatid sa bahay namin. Nung mga oras na yun na-isipan kong magluto na lang ng kanin para sa pagdating ng aking mga magulang ay ulam na lamang ang po-problemahin nila (wla rin kasi akong ginagawa sa mga oras na yun).
Nang nabasa ko na ang bigas, dun ko lang natanto na di pa pala talaga ako marunong magluto ng kanin kala ko kasi na madali lang. Dahil na-umpisahan ko na edi tatapusin ko na lang. nang nahugasan ko na yung bigas pinuno ko ng tubig ang kaldero at sinalang ko na.hehehe... Maya maya tarantang taranta ako kasi para ng swimming pool ang stove namin dahil nag o-overflow na pala ang sinaing ko huhu... buti na lang nagawan ko ng paraan. Subalit ng makaraan ang mga minuto nagtataka ako na nangangamoy na at tutung na yung ilalim ng linuluto ko ay basa pa rin ang nasa ibabaw huhu... lagot ako sa magulang ko pagdating nila (sabi ko sa sarili ko).
Nang pinatay ko na ang stove para sa linuto kung LUGAW este kanin pala... hehe... napagpasyahan ko na dapat ma-ubos namin itong linuto kung kain bago dumating ang aming magulang. Kaya tinawag ko ang kapatid ko at pinabili ko ng masarap na ulam sa karinderya malapit sa amin at sabi ko sa kanya tawagin nya ang mga kalaro nya para dito na lang kumain.
At lahat ng plano ko ay naging successful, salamat at na-ubos rin namin... At lininis ko ng mabuti ang aming kusina pagkatapos ng pangyayari nun at wala akong iniwang bakas kahit na isang butil ng bigas hehe... thank you Lord...
Kaya sa susunod wag basta-basta sugod ng sugod kahit mabuti ang iyong hangarin... pag-isipan muna ang lahat para maganda ang kinalalabasan... :)
Posted by rufiee at 12:47 AM 6 comments
Tuesday, June 29, 2010
What a Hectic Week...
Wait… What a… Grrr… oh no… I forgot... the deep freeze is still active...
Huhuhu… I will fix this problem first…
Till next time… See yah!…
Posted by rufiee at 8:32 AM 9 comments
