Wala na akong ibang ma-isip na ipo-post ko... pero dahil puro 1st time ang mga topic ko, ishe-share ko nlang sa inyo ang ka-una-unahang linuto ko! hehe...
Siguro mga grade 4 ata ako nun at kasama ko ang aking bunsong kapatid sa bahay namin. Nung mga oras na yun na-isipan kong magluto na lang ng kanin para sa pagdating ng aking mga magulang ay ulam na lamang ang po-problemahin nila (wla rin kasi akong ginagawa sa mga oras na yun).
Nang nabasa ko na ang bigas, dun ko lang natanto na di pa pala talaga ako marunong magluto ng kanin kala ko kasi na madali lang. Dahil na-umpisahan ko na edi tatapusin ko na lang. nang nahugasan ko na yung bigas pinuno ko ng tubig ang kaldero at sinalang ko na.hehehe... Maya maya tarantang taranta ako kasi para ng swimming pool ang stove namin dahil nag o-overflow na pala ang sinaing ko huhu... buti na lang nagawan ko ng paraan. Subalit ng makaraan ang mga minuto nagtataka ako na nangangamoy na at tutung na yung ilalim ng linuluto ko ay basa pa rin ang nasa ibabaw huhu... lagot ako sa magulang ko pagdating nila (sabi ko sa sarili ko).
Nang pinatay ko na ang stove para sa linuto kung LUGAW este kanin pala... hehe... napagpasyahan ko na dapat ma-ubos namin itong linuto kung kain bago dumating ang aming magulang. Kaya tinawag ko ang kapatid ko at pinabili ko ng masarap na ulam sa karinderya malapit sa amin at sabi ko sa kanya tawagin nya ang mga kalaro nya para dito na lang kumain.
At lahat ng plano ko ay naging successful, salamat at na-ubos rin namin... At lininis ko ng mabuti ang aming kusina pagkatapos ng pangyayari nun at wala akong iniwang bakas kahit na isang butil ng bigas hehe... thank you Lord...
Kaya sa susunod wag basta-basta sugod ng sugod kahit mabuti ang iyong hangarin... pag-isipan muna ang lahat para maganda ang kinalalabasan... :)
Sunday, July 11, 2010
Kanin o Lugaw?!
Posted by rufiee at 12:47 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

6 comments:
nyahahahahaha!!! naalala ko yung pagluluto ko ng pancake, inaantok ako nun eh tapos pagka-basa ko sa label 3 cups of water eh 3/4 cup lang pala hahaha!!! mas malala lang yung sayo kasi mabuti ang intensyon mo hahaha!!!
yaman yaman talaga pa-cup cake, cup cake pa... hehe... mabuting-mabuti nga ang intenxon ko eh! meron kasi akong hihingin... haha...
hahah.. nagmamarunong k kz ruff eh.. yan tuloy heheh.. n.alala ko din tuloy kung ilang beses n q nkaluto ng hilaw na kanin.. LOL
Haha... Oo nga eh... pero ok lng may natutunan naman ako sa pagkakamaling yun eh... hehe...
ahahahahahahah....hahahahahahahahah..grabeh RuFFino alam mo ba habang binabasa ko to nakangiti ako..nakakatawa ka kasi talagang tinawag mo pa yung mga kaibigan ng kapatid mo para lang ipaubos ung lugaw na niluto mo ah..hehehe..kanin pala!..Pero at least diba tinray mo padin na magluto ako kasi never ko pa natry maluto ng kanin..Inuutusan nalang ako pag papatayin na yung apoy sa kalan heheheheh...good job, lahat naman tayo natututo sa pagkakamali din natin,,baka kasi malakas yung apoy kaya natutong agad yung ilalaim tapos basa padin yung nasa ibabaw...grabeh nakaktuwa talaga tong topic nato...simpleh pero may sense,,,nakaktawa talaga siya.
Heheh... thx lou na natuwa ka at na appreciate mo itong post ko... and yeah your right we learned for our own mistakes... :)
Post a Comment